Mula sa tradisyon ng pinakamalalaki at pinakamamahal na mga telefantasya.
Inihahandog ng GMA ang pinakabagong obra maestra na mag-aangat sa antas ng dramang pantelebisyon.
Ito ang kauna-unahan at nag-iisang epicserye sa bansa.
Sumasalamin sa buhay at damdamin ng panahong halos kinalimutan na ng kasaysayan, ito ang bubuhay muli sa ating diwa at tunay na maipagmamalaki ng ating lahi.
Ito ang kuwento ng babaeng babago sa kanyang kinagisnang mundo.
Ipinanganak si Amaya sa panahong ang mabagsik na si Rajah Mangubat ang naghahari sa kanilang puod.
At bilang anak ni Datu Bugna, siya ay naging isang binukot - isang prinsesa na nakatago at hindi maaaring tumapak sa lupa.
Ngunit si Amaya ay hindi isang pangkaraniwang prinsesa, dahil siya'y ipinanganak na may kakambal na ahas. isang lihim na itinago ng kanyang ama upang mailayo siya sa kapahamakan.
Dahil kaakibat ng pagkakaroon niya ng kambal-ahas ay ang paghirang sa kanya ng tadhana bilang tagapagligtas ng kanilang banwa laban sa malupit at makapangyarihang si Rajah Mangubat.
Ngunit paano kung ang puso ni Amaya ay mabihag ni Bagani, ang anak at tagapagmana ng pinunong nakatakda niyang pabagsakin?
Ang kanyang puso ba ang magiging pinakamahigpit niyang kalaban?
Ano ang mananaig - ang nilaan ng tadhana o ang idinidikta ng kanyang puso?
Ito ang kuwento ni Amaya, ang natatanging nilalang na susubukan ng pagkakataon at huhubugin ng panahon upang maging pinakamakapangyarihang babae sa kanyang panahon.