Simula ngayong May 9 ay mapapanood na sa primetime block ng GMA ang bagong family drama na aantig sa puso ng mga manonood, ang Munting Heredera. Ang istorya nito ay iikot sa isang lola na hinahanap ang missing piece sa kanyang buhay, ang kanyang “munting heredera”.
Magsisimula ito sa istorya ni Doña Anastacia, na may kaisa-isang apong lalaki na si Jacob. Mamahalin ni Jacob ang isang mahirap ngunit mabait at mapagmahal na babae, si Sandra, at magiging masaya ang lahat lalo na sa pagdating ng balita na nagdadalang-tao na si Sandra. Ngunit isang trahedya ang magpapahiwalay sa kanila, at dahil sa trahedyang ito ay mababago ang buhay ni Sandra at ng kanyang anak, ang tunay na munting heredera, na mawawalay sa kanya.
Sa pagdating ng panahon ay tatlong bata ang mag-aagawan sa trono bilang tunay na heredera. Ang isa ay magpapanggap bilang ang tunay na heredera, na lalaking mayabang at makasarili gaya ng kanyang ina. Ang isa naman ay lalaki sa hirap, at mapagkakamalang siyang tunay na heredera dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay ng kanyang mga magulang. At ang tunay na heredera ay lalaki sa piling ng ama-amahang kumupkop sa kanya. Lingid sa kanyang kaalaman ang kanyang tunay na pagkatao – na siya ang tunay na munting heredera.
Sa ilalim ng direksiyon ni Direk Maryo J. delos Reyes, at sa panulatin ni Agnes Gagelonia-Uligan, tatalakayin ng Munting Heredera ang mga isyu na umiikot sa bawat miyembro ng pamilya. Sa pagbubunyag kung sino ang tunay na heredera, subaybayan kung paanong ang isang pamilyang pinaghiwa-hiwalay ng pagkakataon ay pagtatagpuin ang pagtatagpi-tagpiing muli ng pag-ibig, kapatawaran, at pananalig.
Mapapanood ang Munting Heredera pagkatapos ng Mars Ravelo’s Captain Barbell dito lamang sa GMA.